Ang ginataang halo-halo ay isa sa mga pagkaing Pilipino. Ito ay madalas isa sa mga handa sa hapag ng bawat mag-anak kung mayroong pagdiriwang.
Ang mga sangkap nito ay gata ng niyog, langka, sago, kamote, ube, ubod ng gabi, saging saba, pulbos ng bigas, gatas ng kalabaw, asukal at tubig.
Hakbang sa pagluluto nito:
1. Ilaga ang tubig sa isang malaking palayok at hayaang kumulo.
2. Idagdag ang gata ng niyog habang kumukulo ang tubig.
3. Habang kumukulo ang tubig, ilagay ang ginayat na kamote, ube, gabi, langka, saging saba at asukal. Hayaan kumulo ito sa loob ng walong minuto upang magkaroon ng masarap na lasa.
4. Habang nagpapakulo nito, gawin ang hugis bilog na pulbos ng bigas sa pamamagitan ng paghuhulma nito sa ating kamay. Upang magawa ito, paghaluin ang pulbos at tubig. Haluin ito ng mabuti at imasa pabilog.
5. Ilagay at isama sa palayok ang masang hugis bilog upang sumama ang lasa nito sa iba pang sangkap. Ilagay ang sago at hintaying kumulo ang niluluto sa loob ng limang minuto.
6. Hanguin ang palayok sa kalan sapagkat maaari na itong ihain sa hapag kainan.
Ito ay masayang kainin habang salo-salo ang buong mag-anak o kaibigan. Tayo na upang pagsaluhan ang biyaya sa atin!!!
No hay comentarios:
Publicar un comentario