domingo, 12 de mayo de 2013

Maligayang Araw sa mga Ina

Sa isang pagkakataon ay sumusulat ako dito sa wikang Tagalog upang ipahayag ang aking galak at pagbati sa mga ina na nagdiriwang ng mahalagang araw, ang "Araw ng mga Ina". Taos puso akong nagpapasalamat sapagkat sila ang isa mga tagahubog ng ugali, paniniwala at pagkatao ng isang mamamayan sa nayon. Sa aking palagay, ang mga ina ay huwaran sapagkat nagtataguyod at nagsusumikap rin sila upang gampanan ang kanilang tungkulin ng walang pag-iimbot at pagdadamot.
 
Pag-aalagang walang kapantay.
Pagmamahal na walang hinihintay na kapalit.
Pang-unawang hindi masusukat.
Salamat sa pagpapanatili ng liwanag sa ating tahanan.
Maraming Salamat Sayo Ina.
 


No hay comentarios:

Publicar un comentario